87

Sep 19, 2019 @ 23:40
By

Terrific 12: TNT, Blackwater sibak

Pareho nang nag-impake ang TNT at Blackwater sa 2nd East Asia League Terrific 12 2019 sa Macao.

Miyerkoles ay natikman ng Elite ang pangalawang sunod na talo 109-69 sa Chiba Jets tungo sa 0-2 record sa Group A.

Nasipa naman ang KaTropa nang talunin ng Liaoning Flying Leopards ang Niigata Albirex 110-82 noong araw ding ‘yun. Tops sa Group D ang Flying Leopards sa 2-0 slate, kasama ang 96-91 win sa TNT nitong Martes, at bibiyahe sa semifinals.

No-bearing na ang huling laro ng KaTropa kahapon sa Tap Seac Multisport Arena, pero naka-salvage ng 99-90 victory kontra Niigata tungo sa 1-1 card.

Kinamada ni KJ McDaniels ang 11 sa final 14 points ng TNT para ihatid ang team sa panalo. Tumapos ng 47 points ang ipaparadang import ng KaTropa sa Governors Cup, may palamuti pang 17 rebounds.

Si McDaniels ang nagsindi sa balikwas ng TNT mula 58-49 hole.

‘Di naglaro sina Jayson Castro, Troy Rosario at pangalawang import ng KaTropa na si McKenzie Moore.

Nagliyab din ng 27 points si RR Pogoy mula 9 of 18 shooting.

Nagbaon ng 3 si Almond Vosotros sa final 2 minutes para ilayo ang TNT 94-88. Tumapos si Vosotros, bagong acquisition ng KaTropa mula MPBL, ng 12 points.

Pinangunahan ng 34 points at 12 rebounds ni Nick Perkins ang Niigata Albirex, walang panalo sa dalawang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?