92

Oct 2, 2018 @ 21:32
By

Terrence Watson bagong import ng Elasto Painters

Kasado na si Terrence Watson bilang pamalit na import kay J’Nathan Bullock sa 2018 PBA Governors Cup.

Ito ay matapos matalo ng dalawang sunod ang Rain or Shine Elasto Painters kung kaya’t naisipan nilang dalhin ang 31-year-old import.

Kinumpirma naman ito ng RoS head coach na si Caloy Garcia.

“Yung import namin, basically nangapa siya sa amin because two months, hindi sila naglaro. The import was practicing, then pagdating dito sa amin, nag-iba yung complexion ng offense,” saad ni Garcia.

“We felt that we had to make a change that we need an import that can play on the post and help us on the boards. Hopefully he could bring us energy too on the defensive side.”

Sasabak kaagad si Watson laban sa Alaska sa darating na Miyerkoles, Oktubre 3.

Dati na ring nakita si Watson sa panig ng San Miguel Beermen kung saan nagtala siya ng 23.6 points, 11.4 rebounds, 3.2 assists at 2.2 blocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?