273

By

Terrence Romeo sangkot sa gulo sa Tomas Morato

Sharing is caring!

Nasangkot sa gulo ang grupo ni Gilas player Terrence Romeo matapos magtangkang magpa-picture at magpa-autograph ng isang fan sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Agad na rumesponde ang pulisya sa labas ng Guilly bar at inimbitahan si Romeo sa QCPD Station 10, Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, lumapit kay Romeo ang grupo ng fan sa loob ng bar para magpa-picture, pero isa sa kaniyang kasamahan ang inakusahang sumuntok sa fan dahilan para pumutok ang rambol.

“Una po, nakapagpapicture na kami kina Terrence. Pangalawa po, pauwi na kami, nagpapaalam po kami para magpapicture po ulit. Nagulat na lang po kami may bigla pong sumapak,” sabi ni Clarissa Cabrera, asawa ng isang biktima sa interbyu sa DZMM.

“Hanggang sa nagkagulo na po. Napailalim na po ‘yung binugbog nila,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi naman raw kabilang si Romeo sa nagmngayaring riot.

Kinumpirma rin ng TNT KaTropa guard sa social media na wala siyang ginawang masama at nasa maayos na kalagayan na ang dalawang kampo.

“Im in my house right now. Im not held up in any prison or station. No need to make a fuss. Watch the cctv i believe its somewhere in social media right now.I didnt do anything.Let the video speak for itself.Anyway both camps are okay naman na. Goodnight,” twitter post ni Romeo.

Nitong nakaraang linggo lamang ay kabilang si Romeo sa Gilas Pilipinas players na nasangkot sa Philippines-Australia ‘basketbrawl’ sa FIBA World Cup qualifying match sa Philippine Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?