366
terrence-romeo
Apr 3, 2018 @ 17:26

Terrence Romeo, pinamigay na sa TNT ng GlobalPort

Maghihiwalay na ng landas ang GlobalPort at pambato nitong si Terrence Romeo.

Ibinigay na ng Batang Pier kahapon si Romeo at sentro nitong si Yousef Taha sa Talk N Text KaTropa, ayon sa PBA.

Kapalit nito, makukuha ng Batang Pier si Fil-Tongan center Moala Tautuaa at ang 2020 first round pick at 2021 second round pick ng KaTropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?