1,012

By

Terrence Romeo magiging kampi ni Fajardo sa SMB?

Marami na ang lumalabas na ugong ukol sa TNT KaTropa player na si Terrence Romeo, unang naipabalita na posibleng mai-trade para sa top pick ng Blackwater ngayong 2018 PBA Draft.

Ngayon may lumutang na bagong trade proposal kung saan San Miguel Beermen naman ang kasali sa trade.

Sa tweet ng PBA insider na si dbuzzketball, kanyang sinabi na sa draft day posibleng malipat si Romeo sa SMB kapalit sina Brian Heruela, David Semerad at 2019, 2020 first round picks ng nasabing koponan.

Kung sakaling matuloy ito ay sasalo si Romeo kay four-time PBA MVP na si June Mar Fajardo, na madalas magkasama sa Gilas Pilipinas.

Malalaman mamayang hapon, ganap na alas-4:30 kung mangyayari nga ang palitan ng tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?