1,033
terrence-romeo
By

Terrence Romeo, inilagay na sa trading block ng TNT?

Malaki ang posibilidad na bilang na ang mga araw ni Terrence Romeo sa TNT KaTropa.

Ayon sa ulat ng Tiebreaker Times, isang mapagkakatiwalaang source ang nagbunyag na nakausap na ng KaTropa management si Romeo na hindi na siya magiging parte ng TNT sa susunod na kumperensiya at posibleng ma-trade ngayong linggo.

Kasalukuyan na umanong magkausap ang TNT at Blackwater Elite para sa posibleng deal para kay Romeo at ang second overall ng Elite na maaaring maging sina NCAA star Robert Bolick at CJ Perez o dating UAAP MVP Ray Parks.

Nitong Abril lang nang i-trade si Romeo at Yousef Taha mula GlobalPort kapalit si Moala Tautuaa, 2020 first round at 2021 second round draft picks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?