624

Nov 8, 2017 @ 16:45

Terrence Romeo goodbye Global Port na?

Inilagay na sa trading block ng Global Port ang kanilang ace point guard na si Terrence Romeo.

Ayon sa report, mismong ang 25 anyos na tubong Imus, Cavite na si Romeo ang nag-request na i-trade siya sa ibang teams sa PBA.

Sabi sa pa sa ulat, may inisyal na pag-uusap na ang Batang Pier sa mga MVP teams tulad nang TNT at Meralco.

Hinihirit ng GlobalPort sa TNT na makuha ang 2015 1st overall pick ma si Moala Tautuaa kapalit ni Romeo subalit hindi natuloy.

Nais ng Batang Pier na i-trade si Romeo sa Meralco kapalit ng backcourt duo nina Chris Newsome at Baser Amer subalit hindi kinagat ni Coach Norman Black.

Tinapos ni Romeo ang katatapos na season nang kuning ang ikatlong sunod na scoring title sa average na 23.3 points.

Nakapagpatala din ito 5.5 assists at 3.7 rebounds per game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?