211
Terrence Jones bine-baby ng mga PBA ref
By

Terrence Jones bine-baby ng mga PBA ref

Walang duda, isa si Terrence Jones sa mga pinakamahusay na import na tumungtong sa PBA.

Ngunit isang mapupuna sa TNT import ay ang pagiging mainitin ng kanyang ulo.

Sa Finals series kontra San Miguel ay kapansin-pansin ito, una ay ang pag-headbutt nito kay SMB guard Chris Ross sa Game 3.

Unang tinawag na flagrant foul penalty 1 ang panghe-headbutt, nireklamo ni Ross dahil tingin nito’y mas mataas dapat ang parusa sa import.

Sa review ng liga, itinaas ang tawag sa flagrant 2, ibig sabihin ay dapat na-eject sa laban si Jones imbes na tatlong minuto sa bench.

Sa Game 4 naman, klaro ang pambubuska nito kay Arwind Santos, sinigawan sa mukha matapos i-foul si Jones.

Sa review ng mga referee, double technical ang tinawag kina Jones at Santos para sa taunting.

Ngunit tingin ni Rain or Shine assistant coach Chris Gavina, dapat ay tinawagan din si Jones sa fighting stance infraction dahil sa pang-uudyok nito kay Santos.

Marami ang sumang-ayon kay Gavina, tingin ng ilang netizen ay sumusobra na ang pagkabrusko ni Jones sa court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?