409

Apr 4, 2018 @ 17:22
By

Terrence iwas-bwakaw!

Sa GlobalPort, siya ang hari ng opensa. Sa TNT, isa lang siyang KaTropa.

Walang problema kay three-time scoring champion Terrence Romeo kung hindi na siya masyadong hahawak ng bola pagdating sa TNT KaTropa kasunod ng pag-trade sa kanya ng dating koponang Batang Pier.

“Hindi ko binibigyan ng pressure ‘yung sarili ko kasi hindi naman ako lang mag-isa against ibang team, hindi. Andiyan sina kuya Jayson (Castro), andiyan sila RR (Garcia), sila Jericho (Cruz), lahat ‘yan, sila kuya Kelly (Williams), Troy (Rosario). Lahat ‘yan capable. So mas mapapagaan sa akin,” sey ni Romeo, na sinasabing ‘bwakaw’ ng ilang dating kakampi sa GlobalPort.

Bago tuluyang malipat sa TNT ay nagkasigawan pa sina Romeo at coah Pido Jarencio sa laban ng Batang Pier kontra Magnolia.

Giit ni Romeo, walang iringan sa kanila ni Jarencio. Simbuyo lang ng damdamin dala ng init ng laro.

Pero tapos na umano ito at ready na siyang mag-move on.

“Masaya magkakasama kami ng mga dati kong teammates. Tapos dati ko ring naging coach si coach Nash (Racela),” chika pa ng basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?