17

Aug 1, 2021 @ 17:42
By

Terrafirma wasak sa Painters

Nagpabugbog sa una bago rumesbak sa fourth quarter ang Rain or Shine nang kanilang padapain ang Terrafirma, 83-77, nitong Linggo sa PBA Philippine Cup.

Kontrolado ng Terrafirma ang kabuuan ng laban at lumamang pa ng 15 points, kung saan abante pa sila papasok ng fourth quarter.

Ngunit sa huling yugto ng laban ay bigla na lang nanlamig ang Dyip at nagliyab ang Painters, sa pangunguna ni Gabe Norwood.

Tumapos ni Norwood ng may 15 points, kung saan dalawang tres ang ibinaon niya sa fourth quarter upang pagsaraduhan ng pinto ang Dyip.

Umiskor din si Rey Nambatac ng 17 points at nagambag si Adrian Wong ng 15 points para tulungan ang Elasto Painters na maputol ang two-game losing streak at iangat ang kartada sa 4-2.

Samantala, si Juami Tiongson ay tumipa ng 20 points habang nagdagdag pa ng 16 points si Roosevelt Adams ngunit bigo silang iligtas ang Dyip sa 0-4 na kartada. (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?