20

Jul 17, 2021 @ 18:32
By

Terrafirma taob sa TNT

Sinandalan ng TNT Tropang Giga ang kanilang karanasan upang maalagaan ang kalamangan at ibulsa ang 86-79 panalo kontra Terrafirma Dyip sa mga una nilang laban sa PBA Philippine Cup nitong Sabado.

Matapos ang dikitang first half, nagliyab ang TNT sa ikatlong quarter kung saan nabuo pa nila ang 22 puntos na lamang.

Ngunit hindi sumuko ang Dyip at naibaba ang lamang sa lima, 84-79 sa huling isang minuto ng laban bago kapusin sa dulo.

Nanguna sa ratsada ng Tropang Giga si Jayson Castro na umiskor ng 17 points at nagdagdag ng limang rebounds at apat na assist.

Nagambag pa si JP Erram ng 15 points at 11 rebounds.

Ito rin ang unang panalo ni coach Chot Reyes sa kanyang pagbabalik sa PBA.

Samantala, si Aldrech Ramos naman ang nanguna sa Dyip sa kanyang 17 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?