511

Nov 29, 2017 @ 13:53
By

Teroristang Maute, nasa Metro Manila na – NCRPO

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang presensiya ng mga miyembro ng Maute group sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development kaugnay ng traffic at security plans ng mga ahensya ng gobyerno para sa kapaskuhan, sinabi ni Albayalde na patunay na may Maute sa Kamaynilaan ang pagkakaaresto sa Quezon City ng isang miyembro nito.

“We were able to arrest supporters of Maute, we were able to arrest suspected ASG during the ASEAN in Culiat, Quezon City. So this indicates meron naman talagang….we cannot deny anymore,” ayon kay Albayalde.

Tukoy na din aniya ng pulisya ang mga kaanak ng Maute members dito sa Metro Manila at isinailalim na sa profiling pero lumabas na lehitimong negosyante ang mga ito.

Tiniyak naman ni Albayalde na ligtas ang kalakhang Maynila sa kabila ng presensya ng Maute members dito.

Gayunpaman, lalo aniya nilang pinalakas ang intelligence gathering at pinaigting ang police visibility sa matataong lugar gaya ng malls , MRT at LRT stations.

“It (Metro Manila) is still safe because of number one, our usual cooperation with the other intelligence units,” pagtitiyak ni Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?