8

Feb 21, 2021 @ 15:17
By

Terorista todas sa shootout sa Sulu

Utas ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang police operation sa Barangay Kansipat, Sulu Probince kahapon. Ayon sa ulat ng Philippine National Police, may kinalaman din sa smuggling ng mga baril ang nasawi.


Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Wahid Sahid na kilalang miyembro ng ASG na kumikilos sa ikalawang distrito ng Sulu.

Anang kapulisan, sangkot din si Sahid sa pagi-ismagel ng mga armas na siyang nagsusuplay sa ASG sa Zamboanga at Sulu.

Nadakip ang suspek sa joint operation ng Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit at Panamao Municipal Police Station.

Anila, naiset-up ang terorista na may bibili sa kanya ng aramas. Hindi niya alam na parak pala ang kustomer.

Nang makakuha ng go signal ang mga awtoridad, doon na nila pinasok ang bahay ng suspek at agad naman silang pinapatupakn nito.

Nagpapautok din ang mga pulis na naging sanhi ng pagkasawi ni Sahid.

Narekober naman sa crime scene ang ilang M14 rifle at dalawang 40mm ammunition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?