23

By

Termino ni Duterte mapapaikli pa sa federalismo – Umali

Sharing is caring!

Kailangan umano ang no-elections scenario sa 2019 para matapos ng mga mambabatas ang proseso nang pag-amiyenda sa Konstitusyon at pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federal form.

Paliwanag ni Oriental Mindoro Rep. Rey Umali, magiging pahirapan ang quorum kung naghahanda sa 2019 elections ang mga senador at kongresista.

“I guess it will be a necessary evil, if you want to say that — that we may have to do our constitutional mandate as to be able to complete the process of changing the constitution,” ayon kay Umali.

“Many or most of the members of the Congress now would either be graduating or running for other public offices and when that happens we may not be able even to muster a quorum,” dagdag ng kongresista.

Sinabi rin ni Umali na posible ang term extension kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero hindi nito nakikitang lalampas ang Kongreso hanggang 2022 kaya mas malamang pa aniyang mapaikli ng isa o dalawang taon ang termino ng presidente kapag naaprubahan ang bagong Konstitusyon sa 2020.

“That was the very exact words of the President. Once the new constitution and a federal form of government is established and approved by the people in a plebiscite then he will resign,” ani Umali.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?