146

Jan 3, 2018 @ 16:33
By

Termino ni Duterte, maaaring palawigin sa federalism

Sinabi ngayon ni Senate President Koko Pimentel na maaaring palawigin o i-extend ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng isinusulong na pagbabago ng pamahalaan tungong federal form.

Pero ito ay: kung kinakailangan at kung gusto ni Pangulong Duterte.

Ito rin ay kung papayag ang taumbayan.

Para matupad ang Federalism, kailangang amyendahan ang Konstitusyon at kailangan pang paaprubahan sa taumbayan.

Ang pagpapalawig ng termino ng Pangulo ay depende raw sa magiging ‘transitory period’.

“Depend on when we approve the new Constitution. If 2019, then the next three years will be the transitory period,” pahayag ni Pimentel.

“We can extend the President’s term 1. If necessary, and 2. If he is amenable to it, and 3. Since that extension will be part of the new Constitution, the new Constitution must be approved by the people themselves,” dagdag nito.

Niliwanag din na ang Federalism ang pangunahing adhikain ng Duterte administration at hindi ang pagpapalawig ng panunungkulan ni Pangulong Duterte makalagpas ng anim na taon nito sa puwesto sa 2022.

“The objective is Federalism. That’s all,” diin nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?