103

Mar 8, 2019 @ 12:46
By

Termino ni Diokno sa BSP, malalampasan ang pagka-Pangulo ni Duterte

Inilabas na ng Malacañang ang appointment papers nina bagong Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno at Judicial and Bar Council member Noel Tijam.

Ang appointment ni Diokno ay may petsang March 5 at pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayroon itong termino hanggang July 2, 2023, lampas ng isang taon pagkatapos ng termino ng Pangulong Duterte sa 2022.

Si Diokno ang ipinalit sa puwesto ni dating BSP Governor Nestor A. Espenilla jr, na namatay kamakailan dahil sa sakit.

Kasama ring inilabas ang ad interim appointment ni Tijam na may petsang March 6,2019, bilang membro ng JBC na kumakatawan sa academe.

Pinalitan ni Tijam si Jose Mejia at may termino ito hanggang July 9,2022.

Hinirang din ng Pangulo si Rex Maria A. Mendoza bilang independent Director ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Pinalitan ni Mendoza si Dr. Anthony Leachon, at may bisa ang termino hanggang June 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?