82

Dec 7, 2017 @ 13:05
By

Termino ni AFP chief Guerrero, pinalawig ni Duterte

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Leonardo Guerrero.

Si Guerrero ay nakatakda sanang magretiro ngayong Disyembre 17, 2017 subalit pinirmahan ng Pangulo ang extension sa serbisyo nito noong Miyerkules, Disyembre 6.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatagal ng hanggang Abril 24, 2018 sa serbisyo ang chief of staff.

“AFP Chief of Staff General Guerrero will reach his age of compulsory retirement on December 17, 2017, and the President has extended his service to April 24, 2018, as per Republic Act No. 8186, or six months since he assumed office as AFP Chief of Staff,” ang pahayag ni Roque.

Halos magda-dalawang buwan pa lamang bilang chief of staff si Guerrero matapos palitan si dating AFP Chief Gen. Eduardo Año noong Oktubre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?