66

By

‘Terminator’ paborito ni Arnold Schwarzenegger

Magbabalik ang legendary actor na si Arnold Schwarzenegger kasama si Linda Hamilton bilang iconic characters na sina T-800 at Sarah Connor sa “Terminator: Dark Fate”.

Sumikat si Schwarzenegger bilang deadly cyborg assassin sa 1984 film na “The Terminator”.

Nagkaroon ito ng maraming sequels kabilang na ang “Terminator 2: Judgement Day”, “Terminator 3: Rise of the Machines”, “Terminator Salvation” at “Terminator Genisys”.

Sa news18.com report, naikuwento ng aktor ang epekto sa kanya ng karakter niya at ng mismong Terminator movie.

Aniya, ang “Terminator” ang masasabi niyang paborito niya dahil sa magandang pagkakasulat ng istorya nito.

“I had done Conan the Barbarian (1982), but that was about showing the body and the muscles. I wanted to get out of that and The Terminator was really the first movie that was all about the face, the eyes and acting. It was a small movie but brilliantly written, designed and directed. It was a major breakthrough for filmmaking and for me,” ani Schwarzenegger.

Nakatakdang ipalabas ang “Terminator: Dark Fate” sa October 30, 2019 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?