45

By

Term limit natapyas sa draft federal Constitution

Sharing is caring!

Matapos aprubahan ng House committee on Constitutional amendments ang draft Constitution noong nakaraang linggo, isinalang na agad sa plenaryo ang Resolution of Both Houses No.15 para sa sponsorship nina Davao Oriental Rep. Corazon Nuñez-Malanyaon at committee chairman Vicente Veloso.

Ayon kay Veloso, gusto nilang maging mabilis ang pagpasa nito para hindi na maging sagabal sa paparating na eleksiyon.

Pero nilinaw nito na hindi naman nila pipilitin na aprubahan sa plenaryo ang draft Constitution ngayong linggo o sa natitirang tatlong araw ng sesyon bago mag-recess ang Kongreso para sa Undas break.

Sa ilalim ng draft Constitution, walang itinakdang term limit para sa mga mambabatas.

Nakasaad rin dito na mananatili ang presidential form ng gobyerno pero ang Kongreso na ang magdedesisyon sa pagbuo ng federal states.

Mananatili din ang institusyon ng Senado at ang mga senador ay ihahalal nang nationwide tulad pa rin ng sa party-list. Ang Kamara naman ay bubuuin ng hindi lalampas sa 300 kongresista.

Ang mga mambabatas ay magiging 4 na taon na ang bawat termino pero pwedeng paulit-ulit na tumakbo dahil wala ng term limit.

Apat na taon din ang panunungkulan ng Pangulo pero may isang re-eleksiyon.

Mayroon na ding educational requirement na dapat college graduate para sa mga Congressmen, Senador, Bise Presidente at Presidente.

Bubuwagin na ang multi-party system at ibabalik ang 2 party system sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?