50

Dec 20, 2017 @ 13:48

Terence Crawford, world’s best boxer para kay Mayweather

Naniniwala si undefeated boxer Floyd Mayweather na si Terence Crawford ang world’s best boxer sa kasalukuyan sa buong mundo.

“The pound-for-pound top fighter in boxing right now is Terence Crawford,” ani Mayweather sa FightHype.com.

Sa kasalukuyang rankings ng ESPN, nakapuwesto sa pangatlo ang dating unified junior welterweight world champion sa likod nina middleweight star Gennady Golovkin at two-weight world titleholder Vasiliy Lomachenko.

Ang Ukrainian junior lightweight na si Lomachenko ang nasa top spot matapos talunin si undefeated Guillermo Rigondeaux.

Kilala ang 29-anyos na si Crawford sa bilis nitong gumalaw at may pambihirang teknik sa boksing.

Nais din ni Mayweather na makatrabaho si Crawford, na wala ring talo sa 32 laban nito sa lona.

“He doesn’t have to be under my company to give a guy props. I’m not like that. If he’s a free agent, I would love to work with him, if he’s free,” ani Mayweather.

“I know what I can do to take him to that next level. He’s a motherf—r… He reminds me of a young Floyd Mayweather.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?