47

May 8, 2018 @ 13:06

Teo nagbitiw na bilang Tourism secretary

Nag-resign na kanina si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, ayon sa abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

“Yesterday, before the start of the latest Cabinet meeting in Malacañang Palace, Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo tendered her resignation from the Department of Tourism (DOT),” pahayag ni Topacio sa isang statement.

“Her letter was personally handed by her to Executive Secretary Salvador Medialdea in the afternoon. Late in the evening, after the Cabinet meeting was when she saw the President to talk to him in private,” dagdag pa nito.

Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natanggap ng ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Teo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?