15

By

Tensiyon ni Dandan bubuhos lahat sa UP

Sharing is caring!

Makakapag-full time na sa UP si Ricky Dandan pagkatapos magbitiw bilang head coach ng Columbian Dyip sa PBA.

Nakadalawang conference lang si Dandan sa pro league, pumalit sa puwesto ni Chris Gavina nang madalawahang sunod na talo ang noo’y KIA sa Philippine Cup ng 2017-18 season.

Naihatid ni Dandan ang Dyip sa 5-15 record, tinapos ang 11-game eliminations ng Commissioner’s Cup sa 4-7 win-loss slate.

Nasa 10th place ng standings ang Dyip, mukhang malabo na ang tsansang umusad sa next round. Top 8 lang ang aabante sa quarterfinals, nasa itaas ng Columbian ang Phoenix (4-6), Magnolia (4-5), GlobalPort (5-5) at Ginebra (5-5).

Nagdesisyon daw si Dandan na iwan ang coaching job sa Dyip pagkatapos ng “much thought and consideration.”

Mula nang timunan ang Columbian, kapag nagkakaroon ng oras ay pumupunta pa rin siya sa practice ng Fighting Maroons.

“My personal decision now is to concentrate all of my attention, effort and energy full time on helping coach Bo Perasol and the UP Fighting Maroons in our quest for the Final Four this forthcoming UAAP Season,” bahagi ng statement ni Dandan.

Pinasalamatan ni Dandan sina governor Bobby Rosales, team manager Joe Lipa, co-coaches at players ng Columbian Dyip. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?