87

By

Tenorio sa mga basher: Hindi ako traydor!

Sinagot ni Ginebra guard LA Tenorio ang pamba-bash ng ilang netizen, partikular ang pagtawag sa kanya na ‘traydor’ dahil sa pagiging miyembro sa coaching staff ng Letran Knights.

“Trabaho lang walang personalan” #GetaLife #goodvibeslang,” tweet ni Tenorio (@LA_Tenorio).

Sagot ito ni Tenorio sat wet ng isang netizen na si @DPerz23 na “trador talaga yan si @LA_Tenorio. Nanumpa pa yan sa San Beda; Pledge of loyalty to his Alma Mater.”

Ang four-time PBA champion ay kasalukuyang parte ng coaching staff ng Letran at matatandaang naglaro sa San Beda Red Cubs bago siya umakyat sa Ateneo kung saan naglaro naman ito para sa UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?