30

Dec 6, 2020 @ 21:19
By

Tenorio larong tinyente! Ginebra 1 panalo na lang sa kampeonato

Posibleng Ginebra na ang humawak ng PBA Philippine Cup trophy makalipas ang anim na taon.

Ito’y matapos na makalapit ang Barangay Ginebra sa tropeo nang talunin ang TNT Tropang Giga sa Game 5 ng Finals, 98-88, para masungkit ang 3-1 advantage sa serye.

Sa naturang laban, maagang lumamang ang Ginebra na nagbaon ng 16 puntos na kalamangan pagsapit ng fourth quarter.

Ngunit papasok ng huling dalawang minuto ay nagsimula nang ganahan ang Tropang Giga sa bisa ng tatlong magkakadikit na tres, at napalapit ang hinahabol sa tatlo, 91-88.

Dito na pumutok si LA Tenorio, na sinagot ang bawat tres ni Pogoy at iniskor ang pangdiin na jumper para mabalik sa double digit ang kalamangan sa huling minuto ng laban.

Tumapos si LA tangan ang 22 points, six assists at three steals at ginawaran ng Best Player of the Game award.

“To be honest the first two games, it was very surprising for us to be up 2-0 against TNT, a powerhouse team,” saad ni ‘Tinyente’.

Sa Miyerkoles ay pwede nang tapusin ng Ginebra ang serye at tanghaling kampeon sa 2020 PBA Philippine Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?