2

By

Tennis academy ni Nadal, naging tuluyan ng mga binaha sa Espanya

Sharing is caring!

Binuksan ni Rafael Nadal ang pintuan ng kanyang tennis academy sa mga apektadong pamilya dahil sa baha na nanalasa sa Majorca sa Espanya.

Sa video na pinost ng Spanish newspaper na AS, makikita na tumulong si Nadal sa clean-up effort sa naturang bayan.

Nag-tweet din ang world number one at nakisimpatiya sa mga nawalan ng mahal sa buhay.

“Sad day in Majorca. My sincere condolences to the relatives of the deceased,” tweet ni Nadal.

Sa huling ulat, 10 tao na ang kumpirmadong patay sa naturang baha.

Pinayagan ni Nadal na manatili sa kanyang academy ang ilang pamilya na nangngailangan ng matutuluyan.

Noong 2016 ng buksan ni Nadal ang kanyang at dito rin ginanap ang second-tier Challenger noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?