39

Jul 1, 2020 @ 16:20
By

Tenga ng bata ‘nagupit’ ng barbero, viral

Nag-panic at naiyak ang isang bata matapos “matanggal” ng barbero ang kanyang kanang tenga.

Sa viral video na binahagi ni Jerry Purpdrank, makikitang ginugupitan ng barbero ang bata pero maya-maya pa ay napa-“holy shit” ang una at sinabihang huwag gagalaw ang huli.

Kunyaring tinamaan ng barbero ng electric razor ang tenga ng bagets at nahulog ito.

Ganti raw ito ng barbero dahil sa ginawang pagpa-prank din sa kanya ng bata, kung saan kinuntsaba niya ang nanay ng huli.

Panoorin dito ang eksena:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,