tenement-court
By

‘Tenement Court’ sa Taguig, napabilang sa NBA Live 19

Sharing is caring!

Paniguradong matutuwa ang mga Pinoy NBA gamers dahil isang kilalang lugar ang makikita nila sa pinakabagong edisyon ng NBA Live, NBA Live 19, na ilalabas bago matapos ang taon.

Sa “The One” mode ng laro puwedeng gumamit ang mga manlalaro ng international courts, isa na rito ay ang “The Tenement” sa Fort Bonifacio, Taguig.

Ayon sa pagsasalarawan sa official blog site ng laro, ang “The Tenement” daw ay ang puso ng buong komunidad.

“Originally built as a housing project in the 60s, the Fort Bonifacio Tenement (affectionately known as the The Tenement) almost didn’t make it to NBA Live. In 2014, the National Housing Authority sought to evict all of residents, claiming the buildings were prone to earthquakes and overall unsafe,” pagsasalarawan ng game’s official blog.

Magagamit din ng mga manlalaro ang iba pang court gaya ng Paris’ Jordan Qua 54 at ang Brazil’s Rio Favela Court.

Ang free demo ng NBA Live 19 ay lalabas sa Agosto 24 at ang buong laro ay nakatakda namang lumabas sa Setyembre 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?