22
boracay
Apr 4, 2018 @ 13:45
By

Temporary shutdown sa Bora, ikinakasa na ng Inter-Agency TF

Inihayag ngayon ni Department of Tourism (DOT) Public Affairs Communication Secretaey Ricky Alegre, na inirerekomenda ng Inter-Agency Task Force na kinabibilangan ng DOT, Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment, ang temporary shutdown sa Boracay ng anim na buwan para sa rehab ng naturang tourist spot.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Alegre, mahigit na 30,000 ang apektado ng pagpapasara at 5,000 manggagawa naman ang mawawalan ng trabaho, kaya ang Technical Education and Skills Development Authority at Department of Labor and Employment ay magsasagawa ng mga seminar para sa apektadong manggagawa.

Kabilang aniya sa isasagawang workshop ang training activities, water safety at hazard training maging ang tour guide upang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga maaapektuhan ng pagsasara.

Paliwanag ni Alegre, ang Inter-Agency Task Force ay magsasagawa ng multi-sector workshop sa darating na Abril 11 at 12 kung saan inaasahan na dadaluhan ito ng mahigit 100 participants na mawawalan ng trabaho.

Giit ng opisyal, natutuwa sila na mismong gobernador ng naturang lugar ang nanguna sa paglilinis upang maibalik ang ganda ng Boracay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?