258

Dec 28, 2017 @ 11:31

Temperatura sa Mt. Pulag, bumagsak sa 9ºC

Bumagsak sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet.

Inaasahang bababa pa ito ng husto sa mga darating na araw kaya inaasahan ang maraming pagdagsa ng mga turista sa national park, ayon kay Protected Area Superintendent Teber Dionisio.

Sa mga nagdaang taon, pinakamababang naitala ay 2 degrees Celcius sa Mt. Pulag.

Sabi ni Dionisio, tuwing tanghali ay nababalutan ng makapal ng ulapang bundok.

Ang Mt. Pulag, may taas na 2,900 meters, ay pinakamataas na bundok sa Luzon at ikatlo sa buong Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?