175

Mar 12, 2018 @ 16:12

Temperatura sa Baguio, Metro Manila bumagsak – PAGASA

Muling bumagsak ang temperatura sa Baguio City at Metro Manila dahil sa umiiral na amihan sa bahagi ng Luzon.

Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang temperatura sa 11.2 degrees Celsius sa Baguio City kaninang 4:50 ng umaga habang 19.8 degrees Celsius naman sa Quezon City.

Ito na ang pinakamababang naitala sa mga nabanggit na lugar habang patuloy na umiiral ang amihan.

Sinabi ng PAGASA na maaring mangibabaw ang hangin amihan sa Luzon hanggang bukas.

Matapos nito ay posibleng maranasan na ang mainit na panahon.

Posibleng ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng summer season sa kalagitnaan ng Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?