17
Telfair kulong ng 3 taon sa gun possession
By

Telfair kulong ng 3 taon sa gun possession

Makukulong ng tatlo’t kalahating taon si ex-NBA guard Sebastian Telfair dahil sa kaso nitong gun possession.

“This defendant exercised his right to a jury trial and was found guilty of possessing an illegal firearm,” saad ni District Attorney Eric Gonzalez hinggil sa naging hatol sa dating NBA cager.

Si Telfair, 34, ay dinakip sa Brooklyn noong June 2017 nang makuhaan ito ng mga awtoridad sa kanyang pick-up truck ng umano’y apat na loaded weapons — isa sa mga ito ay semiautomatic rifle — ammunition at bullet-resistant vest.

“The mandatory prison sentence he received today is required by law and he has now been held accountable for the unlawful conduct,” saad pa sa conviction sa dating manlalaro.

Ikalawang beses na itong paghuli kay Telfair hinggil sa pagbitbit nito ng baril. Taong 2008 nang mag-plead ito ng guilty sa criminal possession of a weapon nang makumpiskahan ng .45 caliber handgun sa ilalim ng upuan nito sa kanyang sasakyan.

Si Telfair ay nagmarka sa NBA mula sa koponang Portland Trail Blazers at isinali rin sa iba’t ibang team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?