40

Apr 14, 2020 @ 12:57
By

Televised message ni Duterte sa COVID-19 paaagahin – Roque

Susubukan ni Palace spokesperson Harry Roque na mapaaga ang pagpapalabas ng televised public address ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa lagay ng COVID-19 sa ‘Pinas.

“Ngayon na nakabalik na po ako, makikipag-coordinate ho ako dito sa ating PTV4, sa Radyo ng Bayan para nga po mapaaga,” wika ni Roque sa Dobol B sa News TV, Martes.

“Tingin ko naman dahil maaga naman kaming natapos kahapon, pwede talagang naere nang mas maaga kahapon ‘yun,” aniya pa. “Susubukan po natin na gawan ng paraan na ang lahat po ng mensahe ng Presidente ay mapaaga ang broadcast.”

Tuwing hatinggabi ineere ang mga update ni Duterte sa COVID-19 crisis mula nang ipatupad niya ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?