402

Jul 5, 2018 @ 21:22
By

Teleserye ni Piolo tatapusin na?

Kasama pala si Gerald Anderson isang proyekto na bida si Angel Locsin. As far as we know, ito nga yung soap na The General’s Daughter ang title kasama pa sina Maricel Soriano, Janice de Belen at Eula Valdez.

Ang nabalitaan naming male actor dito ay si JC de Vera. Unless, ibang project ang sinasabi ng aming kausap, di kaya?

Pero nang sabihin nitong pang-TV at primetime ang timeslot nito, baka nga yung pagbibidahan ni Angel ang sinasabi ng kausap namin?

Meron pa nga raw advise na within the month na ito magsisimulang umere sa ABS-CBN. Pero ang alam lang naming very soon ay magwawakas ay yung isang Koreanovela na papalitan din ng isa pang Koreanovela.

Hindi naman pupuwedeng ang FPJ’s Ang Probinsyano ang papalitan nito dahil as we write this, kumpirmadong magtatagal pa ito sa ere as per the public’s clamor and as proven by its consistent high ratings. May latest news pa ngang may mga bagong papasok na character sa teleserye ni Coco Martin.

Hmmm…if this is true, baka yung Piolo Pascual starrer ang wakasan o tapusin na nung una ay natsismis na papalitan naman ng isang Judy Ann Santos soap? ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?