78

Mar 28, 2020 @ 19:18
By

Telemedicine sa East Avenue, 24/7 bukas

Tuloy tuloy ang natatanggap na donasyon ng East Avenue Medical Center, ayon kay Dr.Louie Gutierrez.

Dagsa pa rin ang mga pasyente ang nagtutungo sa ospital dahil sa mga sintomas na kanilang nararamdaman.

Ipinatupad ng East Avenue Medical Center ang Telemedicine na puwedeng gumamit ng facebook page, viber at messenger kung saan hindi na puwede magpunta sa kanilang ospital ang isang pasyente para magpa-chek-up.

Maari nang magpakonsulta sa kanilang mga doctor para na rin maprotektahan ang bawat isa, hindi lamang ang mga residente kundi maging mga health workers.

24/7 bukas ang kanilang telemedicine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?