25

Jul 13, 2021 @ 13:34

Telang nakakapagpalamig sa katawan, naimbento

Nakapag-develop ang mga mananaliksik sa China ng isang uri ng tela na kayang palamigin ang temperatura ng katawan na makakatulong umano sa patuloy na pag-init ng klima ng mundo.

Tinawag ang naturang imbesyon na ‘metafabric,’ na sa una’y mistulang ordinaryong T-shirt lamang ngunit may teknolohiyang kaakibat kung saan naglalabas ito ng mid-infrared radiation (MRI).

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito ay napapababa ang temperature ng katawan ng nagsusuot ng hanggang 5 degrees Celsius.

“Tests showed that a person wearing our metafabric could be cooled down 4.8 degrees [40.6 degrees Fahrenheit] lower than when wearing commercial cotton,” pahayag ng mga mananaliksik. “The cost-effectiveness and high-performance of our metafabrics present great advantages for intelligent garments, smart textiles, and passive radiative cooling applications.”

Maaari ring bigyan ng iba’t-ibang kulay ang T-shirt na gawa mula sa metafabric.

“As the dominant medium that protects the skin from the external environment, clothing might be the perfect candidate to be implemented with daytime radiative cooling functionality,” saad sa kanilang research paper na inilabas sa journal na Science nitong Huwebes. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,