38

By

Tela na gawang Ifugao, bumida sa Paris Fashion Week

Ipinagmalaki ng Kandama Collective ang Filipino art at culture sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo ng Ifugao fabrics sa runway ng Paris Fashion Week na ginanap nong Marso 1 sa Eiffel Tower sa Paris, France.

Bilang bahagi ng kanilang social campaign na #SaveTheWeave, inilunsad nito ang Fiesta Filipiniana collection ng mga streetwear, modern gowns at suits na ginamitan ng Ifugao fabrics.

Sinuportahan ang adhikain na ito ng Kandama Collective ng runway show organizers ng International Indigenous Fashion Week.

Sa ngayon ay umaani na ito ng atensiyon worldwide matapos ding i-feature ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang indigenous textile sa mga isinuot niya sa Miss Universe pageant sa Thailand nong Disyembre 2018.

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute ang paggamit ng mga lokal na tela sa mga uniporme ng mga government official at employee.

Itinatag ang Kandama Collective ng Singapore International Foundation noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?