114

Oct 21, 2020 @ 20:05
By

Tekla sinuka ng mga netizen

Trending ngayong Miyerkoles sa Twitter ang comedian na si Super Tekla.

Ito’y makaraang isumbong si Tekla ng partner niyang si Michelle Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo kaugnay sa pamumuwersa sa kanya ng comedian na makipag-sex.

“Masama po ang pakiramdam ko. Kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko. Hindi niya po maintindihan. Hindi niya po marespeto ‘yong ganung ano ko po,” mangiyak-ngiyak na kuwento ni Michelle sa episode ng “Raffy Tulfo in Action” sa YouTube kahapon.

Kapag tumatanggi raw siyang makipag-sex ay hindi siya binibigyan ng pera pambili ng makakain ng komedyante.

Pinipilit din daw siya ni Tekla na makipagtalik kahit nandoon ang pamangkin niya at baby, at may pagkakataon din daw na nag-masturbate ito at natalsikan ang anak nila, na tinawanan lang daw ng comedian.

Dahil dito, nagpuyos sa galit ang mga netizen kay Tekla.

“Trigger warning: rape abuse yuck, bakit may Tekla apologists sa Facebook? dont u know how immoral it is to masturbate infront of minors, force your partner to for sexual intercourse (disregarding the fact that she’s sick), tapos pag nagrelease, ipuputok mo sa anak mo? Tangina,” sabi ni @keanthoughts.

“Mygash!!! It’s so gross!!!! Having sex with your partner is NOT A RESPONSIBILITY, wherein you can still Disagree with your partner whenever he wants to do it. Girls always remember we can still say NO, when we really don’t want to do it!!!! Tekla you go down!” comment ni @iamandhievivo.

“I’ve seen so much this year and then this? Gosh Tekla what a pure shit you are! Ew,” react ni @Bogeyman95.

“That tekla guy is disgusting i can’t even finish tulfo di ko kaya ang details yuck go to hell,” sambit ni @aiethla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?