171

Oct 22, 2020 @ 16:02
By

Tekla sa partner: Hindi ko magagawa ‘yan!

“Hindi totoo ’yan. Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako.”

Mangiyak-ngiyak itong sambit ni Super Tekla hinggil sa mga akusasyon laban sa kanya ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag.

Giit ng Kapuso comedian, hindi niya inabuso, binastos, at pinabayaan si Bana-ag gaya ng sumbong ng huli sa “Raffy Tulfo in Action”.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan,” parte ng sey ni Tekla sa isang panayam.

“Hindi totoo ’yan. Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan, Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” aniya pa.

Siya aniya ang naga-adjust sa nanay ng kanyang bunso, at hindi rin aniya totoong ginugutom niya ang pamilya.

“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa dyan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh,” ayon sa komedyante.

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” dagdag niya.

Hanggang ngayon umano, “shocked” si Tekla sa mga pinagsasabi ni Michelle.

“‘Di pa nagsi-sink in ‘yun sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat… kung titignan mo yung video, wala akong kaalam-alam.”

Hindi rin aniya niya pinagsiksikan ang sarili sa ka-live-in.

“Michelle, karapatan mo ‘yun nung una pa lang. Binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea, nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle,” bigkas ni Tekla.

“Alam mo ‘yan sa sarili mo. Alam mo ‘yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat,” saad niya pa.

Sabi ni Bana-ag sa Tulfo show, “Pina-injection-an niya (Tekla) po ako ng family planning kasi hindi niya po mapigilan ang sarili niya. Gusto niya po ako galawin, para daw po safety. Ngayon po, ang epekto, sumama po pakiramdam ko.”

“Mumurahin niya po ako. Hindi na po siya kikibo. Hindi po siya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yong mga pamangkin ko na nandito. Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na siya ng pagkain, tapos, sasabihin niya, ‘Ah, bakit? ‘Di ba ayaw mo?’,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?