32

Oct 18, 2021 @ 10:53
By

Tekla napagkamalang shoplifter, nasaktan

Ikinwento ni Super Tekla ang “nakakatawa pero masakit” niyang karanasan nang mapagkamalan siyang shoplifter kamakailan lang.

Anang komedyante, isa kasing staff ng isang convenience store ang humarang sa kanya matapos niyang magbayad ng pinamili sa counter.

“Palabas na ako ng pinto, at hinarang ako nung roving guard na girl, ‘Sir may kinuha po kasing ano sir, ‘yan lang po ba binili n’yo?’ ‘Yun ang approach niya sa akin,” kwento ni Tekla.

“So s’yempre na-shock ako. ‘Bakit ano problema?’ ‘Sir may kinuha po kasi kayong item nakita ko sa CCTV,'” pagpapatuloy niya.

Ani Tekla, hinalughog ng guard ang pinamili niya at hindi naman nakita ang item na sinsabing ninakaw niya.

Sambit niya, tumitingin kasi siya ng ilang item sa store at hindi maiwasan ang biglang pamumulsa kaya siguro napagbintangang may kinulimbat.

Anang komedyante, nagkatotoo na ang jokes niya.

“Sarap lang sanang haluan ko ng katatawanan ‘yung time na ‘yun. Pero deep inside nasaktan ako. Dun ko naramdaman ‘yung ‘Ouch, sad reality.’ Masakit na nakakatawa,” sambit niy.

“Nagkatotoo. Sabi ko, para akong binalikan nung mga jokes ko,” dagdag pa niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?