21

Oct 29, 2020 @ 10:47
By

Tekla: Huwag niyo na i-bash si Michelle

Nakiusap ang komedyanteng si Super Tekla sa lahat ng netizen na itigil na ang pangba-bash sa kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Ito’y matapos na nabaliktad ang sitwasyon sa programa ni Raffy Tulfo matapos na tumanggi sa drug test si Michelle para sana patunayang hindi na ito lulong sa iligal na droga.

“Wag na nating husgahan at i-bash pa si Michelle at pamilya nila mas pinili ko ang forgiveness kaysa puot natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive,” saad ni Tekla.

Matatandaan na nireklamo ni Michelle si Tekla ng sexual harassment dahil nagsasarili umano ito habang kaharap ang kanilang anak, na mariin namang tinanggi ni Tekla.

Nagpasalamat din si Tekla sa kanyang kaibigan na si Donita Nose at manager na si Rose Conde sa pagtatanggol sa kanya.

Sey pa ni Tekla, lahat ng nang-bash sa kanya ay kanya nang pinatawad.

“At sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko ‘yun lets pray at pagmamahal nalang poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito,” ayon pa sa komedyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?