1,242

Oct 21, 2020 @ 16:46
By

Tekla ‘hindi mapigil libog,’ minomolestiya umano ang partner

Sinumbong sa ‘Raffy Tulfo in Action’ ang Kapuso comedian na si Super Tekla dahil sa umano’y pang-aabusong seksuwal nito sa partner na si Michelle Bana-ag.

“Masama po ang pakiramdam ko. Kada hapon po, nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko. Hindi niya po maintindihan. Hindi niya po marespeto ‘yong ganung ano ko po (kondisyon),” sambit ni Michelle sa Youtube video na uploaded kahapon.

“Kasi pina-injection-an niya po ako ng family planning kasi hindi niya po mapigilan ang sarili niya. Gusto niya po ako galawin, para daw po safety. Ngayon po, ang epekto, sumama po pakiramdam ko. Nilalagnat po ako kapag hapon. Pero gusto niya pa rin pong ganu’n, gawin po ‘yong ganu’n,” aniya pa.

Kapag tumatanggi aniya siyang makipag-sex, hindi umano siya binibigyan ni Tekla ng pera pambiling pagkain.

“Mumurahin niya po ako. Hindi na po siya kikibo. Hindi po siya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yong mga pamangkin ko na nandito. Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na siya ng pagkain, tapos, sasabihin niya, ‘Ah, bakit? ‘Di ba ayaw mo?’ Ganito, ganyan. Tapos aalis siya. Pupunta po siya kay Donita Nose. Magba-vlog po sila. O kaya magla-live,” ayon kay Bana-ag.

Sabi niya pa, pinupuwersa raw siyang makipagtalik ng komedyante kahit pa naroon ang kanilang pamangkin at anak.

“Minsan po, isang beses, katabi ko ‘yong pamangkin ko, naglalaro sa cellphone. Naawa po ako. Nagtakip na lang po siya ng kumot. Wala po ako magawa, e. Kailangan po magpadala sa mga pamangkin ko. Kahit po masama ang pakiramdam ko,” sey ni Michelle.

“Hawak po ang anak ko, natutulog sa dibdib ko, kukunin po niya. Tapos (magsasarili) na lang po siya. Tapos, may time po na hawak ko ‘yong anak ko, pinapadede ko, dumikit po siya tapos hinawakan niya po ‘yong maselang parte ng katawan ko,” dagdag niya.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag si Tekla hinggil sa mga akusasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?