54

By

Tekla benta ang mga patawa sa ‘Inday…’

Sharing is caring!

Marami ang nag-aabang sa mga patawa ni Super Tekla sa teleserye na Inday Will Always Love You. Ginagampanan niya si Kimberlou, ang matalik na kaibigan ni Happy Lou na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Effortless ngang magpatawa si Tekla, lalo na kapag may mga ingles na salita, nagagawa niyang katawa-tawa ang mga eksena at hindi mapigilan ng kanyang mga co-star ang matawa sa eksena nila.

“Talagang sobrang nagpapasalamat kami sa mga Kapuso natin na talagang mainit na tinanggap ‘yung Inday Will Always Love You.

“Nagbunga ang pinaghirapan, ‘yung aming puyat, ‘yung aming determinasyon at saka ‘yung effort namin.

“Blessings from the skies na parang magnet dahil tinanggap agad ng mga Kapuso nating manonood na nagbigay ng remarkable ratings,” sey pa ni Tekla.

Naging close na raw si Tekla sa mga co-star niya na sina Barbie, Derrick Monasterio, Juancho Trivino, Gladys Reyes, Kim Rodriguez, Ricky Davao, Manilyn Reynes at Nova Villa.

First teleserye raw kasi ni Tekla ang IWALY kaya kabado raw siya sa magiging pagtanggap sa kanya ng mga artistang katrabaho na noo’y napapanood lang niya sa TV.

“Paunti-unti, nakilala nila ako at nakilala ko rin sila. Noong una, nahihiya ako sa kanila kasi mga sikat nga sila. Pero ngayon close na kaming lahat. We are one big family parati,” pagtapos pa ni Super Tekla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?