13

Aug 15, 2020 @ 9:13
By

Teenager todas habang naglalaro ng online game

Patay ang isang 19-anyos na binata sa loob ng isang computer shop malapit sa kanilang tahanan sa San Fabian, Pangasinan.

Sa report ng ’24 Oras’, kinilala ang nasawi na si Erwin Biasura, na sinubukan pang isugod ng ospital ngunit dineklarang dead-on-arrival.

Ito’y matapos na biglang natumba ang teenager sa computer shop habang naglalaro.

Ayon sa tatay ng binata, mayroong sakit sa puso ang kanyang anak, at madalas din umanong magpuyat kakalaro ng computer game.

“Siguro na-excite siya sa paglalaro pero kasama na rin ‘yong puyat at tsaka ‘yong pagod kasi dito mainit kasi nasira electric fan,” lahad ng tatay ni Erwin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?