72
Lalaki tinadtad ng saksak saka itinapon sa poso negro
By

Teenager sinaksak, inutas ng 14-anyos

Sinaksak at napatay ng 14-anyos na estudyante ang kapwa niya teenager matapos na magkapikunan ang kanilang mga grupong kinaaaniban sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni PLt. Nick S. Fontanilla, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Harvey Clemente, 15-anyos, estudyante at residente ng No. 13 F. Pitimini St., Brgy. San Francisco, Del Monte, QC.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na si Ruzel Dimla, 14, ng No. 14 Zorra St., Brgy. Paltok ng nasabing lungsod, na itinuturing na child in conflict with the Law o CICL.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Bienvenido Ribaya III, ang insidente ay naganap dakong alas-10:20 ng gabi (September 17) sa Anakbayan St., near corner Mendoza St., Brgy. Paltok.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nilang sinusundan ng suspek kasama ang ilang kaibigan ang grupo ng biktima hanggang sa magkaroon ang magkabilang grupo ng alitan.

Naawat naman umano ng mga bystander ang muntik nang salpukan ng magkabilang panig at umalis na ang grupo ng biktima subalit hinabol ito ng suspek at muling nakipagtalo hanggang sa humantong sa pananaksak ng huli.

Agad namang isinugod ang biktima sa Provident Hospital subalit binwaian din ito ng buhay, ayon kay Dr. Aldmin Q. Peregrin sanhi ng tinamong malalim na saksak ng patalim sa tiyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?