64

By

Teenager nawala sa sarili, nagbigti

Posibleng dahil sa hindi na makayanan ang kaniyang problema, tuluyan nang winakasan ng 18-anyos na binatilyo ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Brgy. Bahay Toro sa Quezon City, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni PLt.Col. Alex Alberto, hepe ng Talipapa Police Station (PS3) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Joshua Eslite, 18, at residente sa Mema Road, Brgy. Bahay Toro.

Batay sa inisyal na report, alas-9:10 ng umaga (July 13) ay nadiskubreng nakabigti ng nylon rope si Eslite sa kisame ng banyo ng kanilang tahanan.

isinugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay dahil sa matinding pagkakasakal ng lubid sa kanyang leeg.

Tumanggi nang paimbestigahan pa ng pamilya ang ginawang pagbibigti ng biktima dahil kumbinsido silang sadya itong nagpakamatay.

Nabatid na nitong mga huling araw ay palagi umanong wala sa sarili ang biktima at kapag tinatanong umano kung ano ang problema ay hindi naman nito sinasabi at nagkukulong lamang sa kaniyang silid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?