3,492
pool1
By

Teenager nakuryente sa swimming pool, dedbol

Sharing is caring!

Nagwakas sa trahedya ang masayang pagswi-swimming ng pitong magkakaibigan makaraang makuryente at mamatay ang isa nilang kasamahan habang naliligo sa swimming pool sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/ Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na Joseph Manuzon Rivera, 17-anyos, at residente ng Babuyan Alley, No. 13 F. Gen. Avenue, Brgy, Bahay Toro, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena, ng CIDU, ang insidente ay naganap dakong alas-10:25 ng gabi nitong Huwebes sa swimming pool area ng Magnolia Place na matatagpuan sa Tandang Sora Ave., Brgy. Talipapa ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ni Jan Jedson Umali, isa sa mga kasamang naliligo sa swimming pool ng biktima, umahon na umano siya kasunod si Rivera subalit nadulas ito sa hagdanan ng pool at napahawak sa mga nakakabit na ilaw sa garden.

Dahil dito ay bigla na lamang kumislap ang kuryenteng nahawakan ni Rivera at nakita niyang nangingisay na ito.

Tutulungan umano sana niya ito at hahatakin subalit natakot siya na baka maging siya ay makuryente rin, kaya humingi siya ng saklolo sa pool attendant na agad namang inalis ang pagkakasaksak ng kuryente sa garden.

Agad na iniahon ang biktima at isinugod sa RLCT Mother and Child Hospital subalit binawian din ito nang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?