1,746

Dec 22, 2017 @ 16:06
By

Teenager naglaho sa harap ng coffee shop sa Muntinlupa

Puspusan na ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) para matagpuan ang isang dalagita na biglang naglaho matapos lumabas ng isang coffee shop sa Muntinlupa City.

Ayon kay Police Chief Supt. Thomas Apolinario, hepe ng Southern Police District (SPD), nakipag-ugnayan na sila sa mga himpilan ng pulisya sa Metro Manila at sa mga karatig-lalawigan gaya sa Cavite at Laguna.

Ang nawawala ay nagngangalang Patricia “Ica” Policarpio, 17 anyos.

Huli itong nakita alas 10:53 gabi, Huwebes, sa labas ng isang coffee shop sa East Service Road sa Sucat, Muntinlupa City.

Tumambay si Ica sa coffee shop mula hapon hanggang gabi sa coffee shop at noong gabi, lumabas ito para magpa-barya dahil walang panukli sa kaniyang ibinabayad.

Sa pagsusuri sa CCTV footages, nakita si Ica na naglalakad sa labas ng coffee shop hanggang sa hindi na nahagip ng camera.

Naiwan naman sa coffee shop ang kaniyang cellular phone at iba pang mga gamit.

Sa Facebook Account ng kaniyang kapatid na si Bea Policarpio, sinabing ang suot ni Ica bago ito mawala ay semi-rounded glasses, asul na sweater na may stripes sa manggas, itim na pantalon, putong sapatos at light-colored na beanie.

Habang hinahanap si Ica ng mga magulang at mga awtoridad, nakikiusap na rin sila sa publiko na ipagbigay-alam kung sakaling ito ay makita o may mabalitaan ukol dito sa 09178946893.

Pamangkin si Ica ni dating Presidential Legislative Liason Office chief Jimmy Policarpio, dating myembro ng gabinete ni Manila Mayor Erap Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?