357

By

Teenager butas ang leeg sa needlefish

Nauwi sa trahedya ang masayang bonding ng isang pamilya nang matusok ang buong leeg ng isang tinedyer ng needlefish.

Sabi sa Daily Mail, nangingisda ang biktimang si Muhammad Idul kasama ang kanyang mga magulang sa Buton sa South East Sulawesi province, Indonesia noong January 18.

Isang needlefish ang tumalon mula sa katubigan at tumusok sa leeg ng 16-anyos na lalaki.

Tinamaan ng matalim na bibig ng isda ang likod na bungo ng biktima.

Kinailangang magsagawa ng lifesaving surgery sa lalaki.

Viral sa social media ang litrato ng lalaki habang nakatusok sa leeg niya ang isda.

Nagpapagaling na raw si Muhammad pero nananatili pa ito sa ospital dahil sa risks ng infection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?