86

Mar 2, 2020 @ 13:48
By

Teddy Locsin gustong bigyan ng kalye si Freddie Mercury

Gustong ipangalan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang isang avenue sa yumaong Queen singer na si Freddie Mercury.

Tugon ito ng kalihim matapos malaman na pinangalan ang isang kalye sa Feltham, London na tinirhan ng singer noong ito’y binatilyo pa lang.

“Freddie Mercury Close” na ang tawag sa noo’y “Hanworth Road,” na address ng tanggapan ng World Zoroastrian Organization. Sinilang na Zoroastrian si Mercury.

Komento ni Locsin, “I’d name an avenue for him.”

Namatay si Mercury, edad 45, noong 1991 dahil sa AIDS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?