213

Teddy inalay ang birthday wish para kay Anne

Naiyak si Anne Curtis nang malaman kung ano ang ika-41 na birthday wish ng “It’s Showtime” co-host na si Teddy Corpuz.

“‘Yung wish ko, hindi [para] sa akin, e. Ang wish ko talaga maging healthy at maging complete ‘yung baby ni Anne… Walang labis, walang kulang,” hayag ng Rocksteddy vocalist sa noontime show.

Dahil dito, naiyak ang preggy na si Anne at sinambit: “Naiyak ako! Happy birthday, Teddy. Thank you for sharing your birthday wish with my baby. God bless you even more.”

Magkasama na sina Teddy at Anne mula nang unang umere ang Kapamilya noontime show nitong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?